By: Lolit Solis
www.PINOYPARAZZI.com
Kinumpirma na nga ng Startalk sa barangay headquarters sa Makati na nagreklamo ang dalawa niyang kasambahay ng pambubugbog at ‘di raw nasusuwelduhan ang mga ito. Bukod pa riyan, kinumpirma rin nu’ng nagreklamong kasambahay na nalululong daw ito sa droga.
Matagal ko nang naririnig iyan sa mga reporter. Me-rong nagba-blind item, merong talagang tsinitsismis nila. Pero hindi ko naman sineseryoso ,dahil parang a-yoko namang maniwalang aabot na sa ganu’n si Maria.
Dati naman wala akong naririnig na ganu’n ang trato niya sa mga kasambahay kaya medyo duda pa ako riyan. Pero itong sa isyung drugs, matagal na iyang napapabalita at wala ka namang naririnig na pagdi-deny mula kay Maria pati sa mga taong malapit sa kanya. Kaya baka nga may bahid ng katotohanan.
Huling kita ko lang kay Maricel nu’ng nag-guest ito sa Party Pilipinas na nag-surprise kay Geleen Eugenio. Dinig ko nu’n, ‘di ‘yun dumaan sa manager niyang si Malou Fagar na matagal na rin palang hindi sila nag-uusap.
So, may problema talaga si Maricel na pati ang mga taong malapit sa kanya ay nakakatampuhan na nito.
Nu’ng ginawa nga ng Startalk ang isyung ito, si Malou ang kinukulit nila at ayaw niyang mag-comment dahil hindi na nga raw niya ito nakakausap.
Ano talaga ang problema ni Maria, bakit siya umabot sa ganu’n? May kinalaman kaya ito sa career niya?
Hindi naman siya masasabing laos na dahil ang dami pa niyang endorsement at ang lakas pa nga niya sa mga advertising agency, dahil isa siya sa pinaka-credible na endorser sa hanay ng mga celebrity moms.
Sana makinig na ito ngayon sa mga taong nagmamalasakit sa kanya dahil makakabalik pa naman siya at tiyak na marami pa ang magkakainteres sa kanya.
Hay naku! Dito sa showbiz, kapag hindi mo talaga ma-handle nang mabuti ang career mo, madaling mawala sa ‘yo.
No comments:
Post a Comment