HOME
ABS-CBN
GMA
MOVIES

TOTAL PAGEVIEWS (since 7/3/11)
LIKE! Us on Facebook!
POLL
NEWEST ENTRIES
Tween Academy's Two Weeks Gross Surpasses Way Back Home's

Kapamilya Sunday Shows Dominates September 5, 2011 Nationwide TV Ratings. Growing Up and Protege both entered on the top programs lists.

Andi Eigenmann Reveals Albie CasiƱo as her Baby's Father on Posterous

STAR MAGIC BALL 2011: Jessy Mendiola and Enrique Gil won Star Magic Breakout Style award; Coco Martin and Matteo Guidicelli "Suntukan" Issue

JULIE ANNE SAN JOSE, SIKAT NA BONGGA PA ANG CAREER!

ADVERTISERS, HINDI MAGANDA ANG PANLASA SA IGLOT!; SEPT. 1, 2011 AD-RATES AND TV RATINGS; MGA DAPAT ABANGAN SA AMAYA

ABS-CBN PRIMETIME PROGRAMS TOPS THE END OF AUGUST AND THE START OF SEPTEMBER 2011 NATIONWIDE TV RATINGS

GMA PRIMETIME PROGRAMS GAVE A TOUGH BATTLE WITH ABS-CBN'S TOP RATER PRIMETIME PROGRAMS, REMAINED UNDISPUTED IN DAYTIME RACE

Maki U.B.E. na this Sunday! Growing Up Premieres

Weekend Night Programs ng TV5 Humahataw sa Mega Manila at Nationwide, Tinalo ang GMA!

REPLAY EPISODES
September 9, 2011 - Friday!

PENN-ph CHAT

Total Pageviews



JULIE ANNE SAN JOSE, SIKAT NA BONGGA PA ANG CAREER!



Talaga namang mapapawow ka sa galing at talento ng pinakabagong Musical Pop Princess ng Kapuso Network na si Julie Anne San Jose. Matatandaang si Julie Anne ay nagsimula noong taong 2005 sa singing competition para sa mga bagets na may gulang pito hanggang labing-isa, ang Popstar Kids. Matapos siyang mapabilang sa top 5 ng nasabing kompetisyon, siya ay sinali sa spin-off band na pinangalanang Sugarpop.
Ngayon, tunay na siyang kilala bilang mahusay na batang mang-aawit sa Pilipinas lalo na sa mga kabataan ngayon. Kamakailan lang siya ay naging front act sa concert ni David Archuleta. 

Kasama sa kanyang pag-usbong sa industriya ng pinoy entertainment ang kanyang ka-loveteam na si Elmo Magalona. At tunay ngang malayo na ang narating ng tambalang JuliElmo. Sila ay nagkasama na sa isang short-film,  RedMask, pati rin sa isang rap musical na pinamagatang "Elmo and Julie Anne: A Wazak Love Story", at sila ay linggo-linggong napapanuod sa Party Pilipinas at Andres de Saya.
Sa kanyang singing career ay talaga namang todo ang suporta ng kanyang mother network. Siya ay binigyan ng pagkakataon upang kantahin ang iba't ibang theme songs ng GMA shows na Dyesebel, The Last Prince, Pilyang Kerubin, Sisid, at Dwarfina. Maliban sa pagkanta, ang batang ito ay sadyang binigyan ng maraming talento sapagkat marunong siya sa piano, drums, guitar, flute at lyre.

Naging YouTube sensation na rin si Julie Anne sa dami ng views sa kanyang mga covers ng mga sikat at makabagong awit ngayon. Sa kasalukuyan, ang kanyang "Super Bass" version ni Nikki Minaj ay mayroon ng 3,249,693 views lang naman sa YouTube at ang "Pricetag" ni Jessie J naman ay nakapagtala lang naman ng mahigit ng 1,250,000 views.



Kung sa takilya naman ang pag-uusapan, siya ay kabilang sa teen-oriented movie na TWEEN ACADEMY: Class of 2012 na ipinilabas lamang noong August 24, 2011. At kamakailan lang ay napabalitang ang tambalang JuliElmo ay gagawa ng pelikula sa mga susunod na mga araw under GMA Films. 

At mamaya, September 3, 2011 8:00pm siya ay magpapakitang gilas sa kanilang bagong concert nina Jonalyn Viray at Frencheska Farr na pinamagatang "Beyond Limits" na ipinabalitang Sold Out ang tickets. 



Malayo ang mararating ng batang to. Aminado ba kayo?


2 comments:

  1. Hi to all, how is all, I think every one is getting more from
    this site, and your views are good for new visitors.



    My website :: Boat Rental Virgin Islands

    ReplyDelete