Kahapon, July 5, 2011 ay ginanap ang pinakahihintay ng karamihan sa bansa, ang "Aphrodite" Concert ni Kylie Minogue sa Araneta Coliseum.
At heto na nga, nakaupo si Vice kasama sina Anne Curtis, Divine Lee at Cristalle Henares. Laking gulat nya nung mapansin siya ni Kylie Minogue dahil sa kanyang unkabogable na kasuotan. Suot ni Vice ang isang likha ni Kenneth Chua na asul at silver ensemble na may kasamang headpiece.
Dahil nga sa kanyang kapansin-pansin na kasuotan, kaya namansiya napansin ng aphrodite. "You are living right there in front," ani ni Kylie. Nagulat naman si Vice dahil sa sinabi ng aphrodite.
"I would really die if I wouldn't make it to the show. Akala ko di ako aabot. Ito nga si Anne, nag MRT," natutuwang ibinahagi ni Vice sa press.
Bago makaalis sa kinauupuan, lumapit ang isang assistant ni Kylie at binigyan siya ng autograph souvenir mula sa aphrodite.
At heto na ang kinanatuwa ni Vice, nagtweet si Kylie ng, "Vice Ganda was the winner tonight here in Manila...the show tonight was our own mini-thrilla-in-manila!!!Incredible audience!!!!!"
Nung mabasa ito ni Vice, agad naman niyang nireplyan ng, "@kylieminogue thank you so much for choosing me as the Best Dressed in your concert! I love you! I'm the happiest person on earth!" At sa kanyang sumunod na tweet, "I can die anytime now! @kylieminogue just twitted my name and picture! Oh God!"
Here's Vice ganda's picture twitted by Kylie holding the autograph souvenir given by the aphrodite..
No comments:
Post a Comment