HOME
ABS-CBN
GMA
MOVIES

TOTAL PAGEVIEWS (since 7/3/11)
LIKE! Us on Facebook!
POLL
NEWEST ENTRIES
Tween Academy's Two Weeks Gross Surpasses Way Back Home's

Kapamilya Sunday Shows Dominates September 5, 2011 Nationwide TV Ratings. Growing Up and Protege both entered on the top programs lists.

Andi Eigenmann Reveals Albie Casiño as her Baby's Father on Posterous

STAR MAGIC BALL 2011: Jessy Mendiola and Enrique Gil won Star Magic Breakout Style award; Coco Martin and Matteo Guidicelli "Suntukan" Issue

JULIE ANNE SAN JOSE, SIKAT NA BONGGA PA ANG CAREER!

ADVERTISERS, HINDI MAGANDA ANG PANLASA SA IGLOT!; SEPT. 1, 2011 AD-RATES AND TV RATINGS; MGA DAPAT ABANGAN SA AMAYA

ABS-CBN PRIMETIME PROGRAMS TOPS THE END OF AUGUST AND THE START OF SEPTEMBER 2011 NATIONWIDE TV RATINGS

GMA PRIMETIME PROGRAMS GAVE A TOUGH BATTLE WITH ABS-CBN'S TOP RATER PRIMETIME PROGRAMS, REMAINED UNDISPUTED IN DAYTIME RACE

Maki U.B.E. na this Sunday! Growing Up Premieres

Weekend Night Programs ng TV5 Humahataw sa Mega Manila at Nationwide, Tinalo ang GMA!

REPLAY EPISODES
September 9, 2011 - Friday!

PENN-ph CHAT

Total Pageviews

Kampo ni Albie Casiño, masama ang loob sa ABS-CBN! Sa Syete sila kakanta hindi sa Dos!


Nagulantang ang lahat ng mapanood sa The buzz ang interview ni Boy Abunda sa ama ni Andi Eigenmann na si Mark Gil. Naging usap-usapan ito hindi lang sa Pilipinas kundi rin sa buong mundo. Katunayan, naging trending topic ito sa Twitter Worldwide.


Naging masama ang imahe ng binata dahil sa mga binitawang salita ng actor. Ngunit, kailan nga ba maririnig ang kampo ni Albie sa isyung ito? Kailan siya tatahimik upang basagin ang kanyang nasa saloobin at ipagtanggol ang kanyang sarili. Hahayaan na lang ba niya ang isyu hanggang sa magsawa ang tao sa kakachismis nito? O patuloy pa rin bang tatanggalin siya ng pamunuan ng ABS sa mga nakaLine-up na proyekto niya ngayong taon? At tuluyan na bang "bye-bye" ang career niya sa Dos?


Ngayong Miyerkules lang din lumabas sa http://www.oh-philippines.com ang isang balita ni Reggee Bonoan na kung saan may tumawag sa kanila, na itong itong si Albie ay sa Syete magbibigay ng panayam tungkol sa "preggy issue" ni Andi Eigenmann at hindi sa Dos! Masama daw ang loob ng ina at pamilya ni Albie dahil sa sunud-sunod na interview ng ABS-CBN sa pamilya Eigenmann, at sa di pagpayag ng pamunuan ng Star Magic para ipagtanggol ni Albie ang kanyang sarili.


Narito ang balitang sinulat ni Reggee Bonoan:


NAGULAT kami nang makatanggap kami ng tawag mula sa kampo ni Albie Casino.


"Concerned lang ako sa pamilya ni Albie dahil mabait silang pamilya," panimulang sabi sa amin ng caller na kaibigan ng pamilya Casino, na nakiusap na huwag na lang munang banggitin ang kanyang pangalan. "Albie's grandfather is a general of the Armed Forces of the Philippines at nada-drag ang pangalan nila to this controversy."


Nagulat at nagtaka kami na sa amin siya tumawag dahil very vocal kami na hindi namin type si Albie, na-turn off kami sa young actor nu'ng away-awayin niya si Andi Eigenmann sa Twitter, napaka-unbecoming of a gentleman niya, kaya pinuna namin ang ginawa niya.


"Alam ko," sabi ng caller, "sana bigyan mo siya ng chance na kilalanin siya."


Kaya pinakinggan namin ang sinasabi niyang side ni Albie, para na rin sa fair journalism.


Nagkuwento ang kaibigan ng pamilya ni Albie, at pati sama ng loob ng magulang ng young actor ay nabanggit niya.


"Masama ang loob ng pamilya ni Albie sa ABS (-CBN) dahil they advised the parents not to talk para sa ikatatahimik ng lahat. But what did they do Halos every week, may nai-interview silang Eigenmann.


"The first week, it was Jaclyn (Jose) who talked about Andi's pregnancy, that was fine, kasi inamin. Then all fingers pointed to Albie


"Heto na, na-interview na si Ryan Eigenmann about Andi, the following week, si Maxenne, who also gave birth din, then si Gabby (Eigenmann), then last Sunday, si Mark Gil. Sino'ng susunod


"E, buong Eigenmann, inaatake na si Albie 'Tapos sasabihin nila, huwag magsasalita si Albie or the parents Ano 'yun Ano ang stand ng Star Magic dito Ano ang statement nila to defend naman Albie


"Yes, it's a family matter, it's a personal problem, pero bakit walang statement ang Star Magic Pinapayagan nilang magsalita lang ang side ni Andi To destroy Albie Parang unfair naman po 'yun. Nu'ng na-interview nila si Mark, they don't even bother to inform the parents (of Albie), di sana man lang nakahanda sila.


"Ano'ng nangyari Nagulat na lang ang parents ni Albie na bigla silang inatake ni Mark, he even questioned how they raise Albie. Hello, kung pag-uusapan ang pagpapalaki ng anak, they should question themselves.


"Lalaki si Albie, babae si Andi, so sino ang dapat kuwestiyunin You know, boys will be boys. Si Andi, mabubuntis ba 'yan kung ginabayan nang tama They don't have to question the parents of Albie, bago sila magtanong, sila muna.


"Ilan ba ang anak ni Mark sa iba't ibang babae Sino ba ang hindi buo ang pamilya Sorry to say this, pero dapat minsan, ipamukha mo rin kung ano at sino itong mga lalaking kumukuwestiyon pagdating sa pagpapalaki ng anak.


"At 'yung sinasabing sinaktan o ginulpi, that's not true because Albie is a martial arts experts at may sinusunod siyang batas na huwag gagamitin ang pinag-aralan para makasakit ng tao lalo't sa babae pa. About the abortive pill, that's a lie," dire-diretsong kuwento pa sa amin.


Naguluhan kami sa kuwentong ito ng kaibigan ng pamilya Casino dahil ibig sabihin, hindi nagsabi ng totoo ang ama ni Andi


"Well, malalaman naman ng lahat 'yan. As of now, kausap na ng parents ni Albie ang lawyer nila at may mga inihahahandang kaso, magdedemanda sila. Ayokong pangunahan kung sino ang kakasuhan.


"Magpapa-interview sila one of these days at heto ang sigurado, hindi sa ABS-CBN dahil hindi naman daw sila prinotektahan, sa GMA-7 sila magsasalita together with the lawyer and Albie, too," pagtatapat sa amin.


Naitanong namin ang pagla-lie-low muna ni Albie sa showbiz, base na rin sa napagkasunduan ng magulang niya at ng Star Magic at ABS-CBN.


"Oo nga, kasi hindi naman kayang ipagtanggol ng ABS. 'Kita mo nga nangyari, parang hindi naman nila artista Bakit ang ibang artista nila, konting isyu lang, to the rescue na kaagad sila Bakit, dahil hindi malaking artista si Albie That's not fair!


"Sabi ng dad ni Albie, kung sila lang ang masusunod, ayaw na nilang mag-artista si Albie, but since gusto ng bata, sige lang. Albie is living a very comfortable life," pahayag pa ng caller.


Sa tanong namin kung may planong umalis na sa ABS-CBN si Albie: "Ano sa tingin mo Kailangan ba niyang mag-stay pa " balik-tanong sa amin, na hindi kami nakasagot, ha-ha-ha!


Samantala, kinunan namin ng pahayag ang publicist ng Star Magic na si Thess Gubi.


"Sandali lang, mare, hindi ko kasi napanood nang buo ang Buzz interview ni Mark (Gil), pero tatanungin ko sila (Mr. Johnny Manahan/Ms Mariole Alberto), we'll let you know, mare, at saka babasahin ko muna'yung kabuuan ng interview. 'Sensiya ka na."


Sa madaling salita, hindi nga handa ang Star Magic sa naging interview ng The Buzz kay Mark.


"Have a feeling na pinagaganda nila (ABS-CBN) ang image ni Andi para pagbalik niya, title role pa rin ang ibibigay," dagdag na sabi pa ng kaibigan ng pamilya Casino na tumawag sa amin.

No comments:

Post a Comment