HOME
ABS-CBN
GMA
MOVIES

TOTAL PAGEVIEWS (since 7/3/11)
LIKE! Us on Facebook!
POLL
NEWEST ENTRIES
Tween Academy's Two Weeks Gross Surpasses Way Back Home's

Kapamilya Sunday Shows Dominates September 5, 2011 Nationwide TV Ratings. Growing Up and Protege both entered on the top programs lists.

Andi Eigenmann Reveals Albie CasiƱo as her Baby's Father on Posterous

STAR MAGIC BALL 2011: Jessy Mendiola and Enrique Gil won Star Magic Breakout Style award; Coco Martin and Matteo Guidicelli "Suntukan" Issue

JULIE ANNE SAN JOSE, SIKAT NA BONGGA PA ANG CAREER!

ADVERTISERS, HINDI MAGANDA ANG PANLASA SA IGLOT!; SEPT. 1, 2011 AD-RATES AND TV RATINGS; MGA DAPAT ABANGAN SA AMAYA

ABS-CBN PRIMETIME PROGRAMS TOPS THE END OF AUGUST AND THE START OF SEPTEMBER 2011 NATIONWIDE TV RATINGS

GMA PRIMETIME PROGRAMS GAVE A TOUGH BATTLE WITH ABS-CBN'S TOP RATER PRIMETIME PROGRAMS, REMAINED UNDISPUTED IN DAYTIME RACE

Maki U.B.E. na this Sunday! Growing Up Premieres

Weekend Night Programs ng TV5 Humahataw sa Mega Manila at Nationwide, Tinalo ang GMA!

REPLAY EPISODES
September 9, 2011 - Friday!

PENN-ph CHAT

Total Pageviews

Angeline Quinto's First Solo Major Concert, A Success


Kagabi lang, July 15, 2011 ginanap ang matagal ng inaasam ni Angeline Quinto, ang kanyang first solo major concert sa SM City North Edsa Skydome. Matapos siyang magwagi sa talent search na "Sharon's STAR POWER", hindi na mabilang ang mga blessings na dumating sa kanya. Nagkaroon ng mga shows sa abroad, at nagkaroon din ng commercial ng Belo at nagkaroon ng first album na kung saan pumalo ang lahat ng kanyang mga kanta gaya ng "Patuloy ang Pangarap" at "Wag Mo Akong Iwan Mag-isa". Siya ngayon ay napapanoood linggo-linggo sa ASAP Rocks.


Sa naganap na concert ni Angeline, naging guests niya dito ang napabalitang ka-date nya di umano noon na si Sam Milby, si Richard Poon at ang The Ultimate Heartthrob na si Piolo Pascual.


Gulat na gulat ang bagong singing sensation nung lumabas si Coco Martin, ang kaniyang ultimate crush, dahil di nya ito inaasahang darating at magiging guest sa kanyang concert. Kinilig at tumili ang lahat ng naroon nang may inilabas si Coco Martin na surpresa sa kanya. Ang regalong iyon ay isang kwintas na may hugis krus.


At hindi pa dun nagtatapos ang mga pasabog sa kanyang concert. Dahil kahit buntis ang Asia's Songbird ay pumunta pa rin siya upang maging guest ni Angeline. Sabay nilang kinanta ang mga theme songs ng mga nagdaang pelikula ni Ms. Regine Velasquez. At hindi lang yan, binigyan din ng Songbird si Angeline ng hikaw bilang lucky charm nito. Todo hiyaw ang lahat na pumaroon para manood sa nasabing concert.


Nagpaumanhin ang singing sensation sa mga hindi nakapasok dahil nga sold out ang kanyang concert. Hinihiling nya na sana magkaroon ng part two para sa mga hindi nakapanood.


Namataan doon ang nanay ng international singing sensation Charice Pempengco upang suportahan si Angeline. Todo suporta rin ang mga channel heads ng ABS-CBN na naroon kagabi.


Ang nasabing concert ay hinihandog ng ASAP Live at ABS-CBN. Abangan ang bagong singing sensation ng Pilipinas sa kanyang first solo concert abroad sa November bilang birthday gift ng ABS-CBN.


5 comments:

  1. cool ng page.. may background music pa.. panu to?

    ReplyDelete
  2. Malayo pa ang mararating mo.. ang ggaling mo :D

    ReplyDelete
  3. mas magaling pa din si Sarah.. sa birit ka lang naman lamang.. si Sarah = total performer, magaling sa Pop!

    ReplyDelete
  4. cute nmn . patuloy ang pangarap .

    ReplyDelete